Magwawalis ka na rin lang, bakit hindi ka na rin maglampaso!
Goal mong maka-pasa sa exam, bakit hindi mo gawin ng 100%!
Liligawan mo ang kasintahan mo, bakit hindi mo na rin ligawan ang mga magulang nya!
Mamasahihin mo ang pagod mong asawa, bakit hindi mo na rin paglutuan!
Why give less if you can give more?
Lubus-lubusin mo na.
Ika nga ay, itodo mo na!
Kung tatrabahuhin mo nalang din, ayusin mo na.
Kung empleyado ka, huwag ka mag-facebook sa oras ng trabaho! Mag-focus at pagbutihin ang pagtatrabaho. Maraming naghahangad na magkaroon ng trabaho gaya mo. Mananahi ka ng damit, gandahan mo, hindi yung basta nakatahi lang at tabi-tabingi. Kung teacher ka, huwag pakopya ng pakopya sa black board, pagbutihin mo ang pag-gawa ng lesson plan at magturo ng buong giliw, sapagkat ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Kung nag-tatrabaho ka sa fastfood restaurant, ayusin mo ang pagpupunas ng mesa, hindi yung basta nakapunas lang. Ngumiti ka kahit pagod na at galingan ang pakikinig sa order ng customer.
Anong pinupunto ko? Huwag lang tayo basta magtrabaho. Galingan natin, pagbutihin natin.
Kung magbibigay ka ng effort, itodo mo na.
Kung gagawa ka ng kabutihan sa kapwa, itodo mo na! Maaaring hindi nya deserve yun o hindi siya karapat-dapat sa pabor na ibibigay mo pero ang Dios na nasa langit ang bahalang mag-reward at magpapala sayo. Sa iyong pagtulong at paggawa ng mga bagay, ibigay mo ang todong-todong talento, lakas at panahon mo. Sa huli siguradong hindi ka mag-sisisi because you’ve done your best. Hindi mo man makita ang bunga ng mga efforts mo sa ngayon, pero sigurado ako sa tamang panahon, makikita at aanihin mo rin ito.
Kung bitin ang effort, e di bitin ang balik.
Mahirap kung lahat ng gagawin natin ay bitin, hilaw at kulang. Don’t expect for a good and excellent result kung bitin naman ang effort mo. Kung ano ang itinanim mo, siya ring aanihin mo. Nagtanim ka ng kakapisarong effort, kakapiraso lang din ang balik sayo. Nagtanim ka ng kakaunting kabutihan, kakaunti lang din ang aanihin mo. Hindi pwede ang pwede na! Don’t settle for average. Always aim for the best!
THINK. REFLECT. REPLY.
Inaayos mo ba ang trabaho mo?
Todo ba ang mga efforts na binibigay mo o bitin?
Are you giving your best?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.