Minsan ba sa buhay mo ay nagtanong ka na kay God kung bakit nararanasan mo ang mga bagay na hindi maganda at masakit sa iyong kalooban?
O yun bang sa sobrang bigat ng dinadala mo, eh kinekwestiyon mo o pinapangunahan mo na ang mga nangyayari at plano sa iyo ngayon?
Halimbawa:
“Bakit sa akin pa po nangyari ito?”
“Lord, naging mabuti naman po ako ah, hindi ko po ito deserve.”
“Ang hirap hirap naman po nito, tama na po please.”
Ang buhay natin ay isang malaking bintana na kung saan nakabukas tayo sa madaming posibilidad ng problema.
Unfortunately, mas nakikita natin itong mga ito as pagpapahirap galing sa Diyos. Minsan nga, talagang hindi natin nakikita yung kagandahan ng mga challenges na dumadating sa buhay natin, dahil masyado tayong focused sa current effect nito sa natin — yung sakit, bigat, yung luhang nauubos, o yung poot sa dibdib.
Pero alam niyo ba na these challenges are His way to show us how much He loves us?
“Ha? Paanong mahal eh dahil nga sa mga problema kaya ako nade-depress at nawawalan ng gana sa buhay?”
1. TO CHANGE US AND NOT TO DESTROY US
May mga bagay na kailangan natin pagdaanan kasi yun lang ang paraan para matuto tayo, maintindihan kung bakit ito kailangan mangyari, at kung papaano tayo mababago at mata-transform nito into becoming a better person in the end.
Example, kapag naghiwalay kayo ng akala mong “The One”, sa una masakit, pero yun pala kaya ito nangyari dahil may ipapakilala sayo at darating sa buhay mo na mas deserving sa pagmamahal mo.
2. TO BRING OUT THE BEST IN US, NOT THE WORST IN US
Alam niyo ba yung feeling na kapag nahirapan ka sa isang subject o maski sa trabaho mo, it pushes and motivates you even more na gumawa na paraan para mas gumaling ka pa? Mas nagaaral ka, mas nagiging focused ka, at marunong ka na mag-set ng priorities mo? — ganyan ang nagagawa ng challenges.
Kung wala ito, hindi mo malalaman kung saan ka dapat mag-improve o ano yung mga dapat mong baguhin para makalabas ka sa pinagdadaanan mo.
3. TO PROTECT US FROM HARM
“Tinanggal ako sa trabaho kasi may inuutos sa akin ang boss ko eh ayoko gawin kasi parang may mali.”
Anong problema ang nakikita natin dito? Malamang yung ‘tinanggal sa trabaho’, hindi ba? Ibig sabihin kasi ay walang sweldo at walang pangtustos sa araw araw na gastusin.
Pero alam niyo ang nakikita ni God? Yung ‘parang may mali’ kasi illegal pala ang ipinapagawa sa kanya. Kung hindi siya natanggal sa trabaho, malamang kasama siya sa makukulong.
Sa lahat ng nangyayari sa atin ngayon, maaring inilalayo lang tayo sa kapahamakan. Kadalasan kasi iniisip natin na malas tayo, pero I tell you, napaka swerte mo dahil hindi ka hinayaan na malagay sa malalang peligro.
- Na-late ka ng gising? Dahil may karambola ng mga sasakyan sa dadaanan mo.
- Tinakbo ng magnanakaw ang bag mo? At least hindi ka sinaktan.
- Nawalan ka ng mahal sa buhay? Para hindi na siya maghirap pa sa ospital.
- Lumubog ang bahay ninyo sa baha? Okay lang kasi walang nasaktan.
4. TO DIRECT YOU TO THE RIGHT PATH
There are times when we don’t listen to God. Ni hindi nga natin minsan napapansin yung signs niya na we’re going towards the wrong direction, because we are distracted or overwhelmed by a lot of things kaya tayo nalalagay sa alanganin.
And for Him to get our attention and make us go back to where we should be, God gives us challenges to force us to run and look for the right way out.
Ito yung mga bagay na alam mo namang masama pero tinuloy mo pa din, so He lets you feel the pain, consequences and challenges of it para malaman mo kung bakit hindi maganda ang ginawa mo.
5. TO TEST YOUR FAITH
Can faith be increased? Yes. These will be the times when our faith grows.
When you are faced with problems how do you react? Nagagalit ka ba at bumibitaw sa Diyos kapag hindi mo na kaya? O habang tumitindi, mas tumatatag din ang faith mo?
These unfortunate events are being used to test us. Ito kasi yung paraan para malaman kung gaano katatag yung pananampalataya mo sa Diyos — yun kasi ang hinihingi Niya sa atin, to always include Him in every success, in every failures, and in every trial that we face and to make Him feel na Siya lang ang kailangan natin to conquer it and nothing else.
THINK. REFLECT. APPLY
Ano yung mga pinagdadaanan mo ngayon?
Paano mo nakikita yung mga problema mo, blessing ba o pasakit?
Ano ang mga kailangan mong baguhin para mabago ang pananaw mo tungkol sa challenges?
If you have many plans and goals in life but do not know where and how to start. If you want to know more and learn on how you can create a plan and a strategy.
I want to invite you to my very first public meeting on January 16, 2016 (9AM-5PM)
3rd Floor Eastwood
3F, Units 3A-3F, City Walk 2, Eastwood City
READY SET GOAL
“The Power of Goal Getting”
In this session you will learn:
Why do we need a Goal?
Why do we people never reach their Goals?
How can you set Realistic Goals?
How to Identify and Prioritize your Goals?
How to Hit your Financial Goals this 2016?
For more info, please visit https://readysetgoal.info or call this number 0920-949-4975
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
- TUYONG- TUYO KA NA BA?
- MAWALA NA ANG LAHAT WAG LANG MAWALA ANG PAG ASA
- MAY MABIGAT KA BANG PINAGDADAANAN?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.