Naranasan niyo na bang mainggit sa inyong kapwa?
Nainggit ka na sa kanilang bahay, lupa, kotse, posisyon, estado sa buhay?
Sumasama ba kaagad ng loob mo, dahil nagkaroon sila ng mga bagay na wala ka?
“Buti pa siya napromote”
“Siya lang naman ang paboritong anak”
“Siya nakapundar na ng bahay at kotse samantalang ako ganito pa din”
“Bakit siya ang laki ng kita sa business tapos ako, palugi na”
Most of us believe that “Life is unfair” dahil may mga pagkakataon na sa iba napupunta ang gusto mo mangyari na para bang feeling mo ang ilap sayo ng tadhana, tapos sila, halos walang ka-effort-effort na nakamit yung bagay na matagal mo na inaasam.
Ang hindi lang maganda sa ganitong thinking, there’s a huge tendency na panay kakulangan nalang ang nakikita natin at hindi yung kung anong meron tayo at the moment kaya we always feel negative instead of blessed.
Bakit nga ba nagkakaron ng matinding inggit?
LOW SELF-ESTEEM
Ang taong walang bilib sa sarili eh di malayong mainggit sa kapwa. Kung tutuusin, lahat tayo pantay pantay???may sariling pagiisip at kakayanan para maging successful sa buhay.
Nagkakatalo lang dito kapag mas pinili mong tignan ang iba kaysa sa sarili mo kaya imbis na hatakin mo ang sarili mo pataas, ikaw na din ang gumagawa ng paraan para pababain ito, mawalan ka ng bilib, at tiwala.
PRIDE
“Sus di naman siya deserving”
“May atraso yan ah, bakit siya pa napromote?”
“Inutang lang naman niya yan sa banko”
Ang isa pang type ng inggit eh yung feeling mo na hindi karapat dapat sila magkaron ng blessing na ganun o yun bang dapat ikaw ang mabiyayaan nun at hindi siya/ sila.
Ang isang taong ma-pride kasi o naiingit ay self-centered and seeks so much attention na gusto nila, sila lang ang nakakaangat at tinitingalaan.
NAKUKUMPARA
Isa sa mga ayaw natin eh yung nakukumpara. Ito kasi yung tinatawag nating ???nagpapaliyab??? sa damdamin natin para tuluyan tayong makaramdam ng inggit.
Halimbawa:
“Bakit siya cum laude, ikaw hindi?”
“Bakit siya 5 years pa lang nagtatrabaho nakapundar na, ikaw wala pa din?”
“Bakit siya kahit hindi nakatapos pero madiskarte sa buhay?”
So in effect, yung mga taong kinukumpara sayo, sila ngayon ang kinaiinggitan mo because they’ve been receiving praises, compliments, and acknowledgements na gusto mo din sana mangyari sayo.
OBSESSED WITH STATUS
But then again, we cannot stop the reality na meron at merong tao na “MAS” sa atin mas magaling, mas matalino, mas mayaman, mas maabilidad, o mas updated sa kung anong nalalaman natin.
Envy happens when we see these people as a threat imbis na inspirasyon to do better. Kaya kapag dumating ang panahon na meron ng nagmamayari ng trono mo o nung status symbol mo, we feel bad inside and angry at the person.
THINK. REFLECT. REPLY.
Bakit ka naiinggit sa kapwa mo?
Ano ba yung sa tingin mong meron ka na pwede mo ipagmalaki?
Paano mo maipapakitang thankful ka sa buhay mo?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also check on these related topics:
- 3 Ways To Minimize Envy
- TALO KA SA PAGHIHIGANTI
- SHOPPING NOW, PULUBI LATER
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.