May mga kakilala ba kayong mga taong gusto sila lang ang sikat, sila lang ang giginhawa, o sila lang ang uunlad? Lahat ng bagay, atensyon, status, respeto, o acknowledgement ay gusto nila makamit. Walang ititira sa iba, dapat sa kanila lang.
Greed ang tawag diyan. Greed is defined as the desire to get or have MORE than what you need– sayo lang, walang kahati. Kaya kahit maka agrabyado ka na o makasakit ng iba, hindi mo na ito nabibigyan ng halaga dahil masyado ka nakatutok sa sarili mong pangangailangan.
Bakit nga ba may mga taong greedy?
PAST EXPERIENCES
Maaring may mga naging karansan tayo noon na naramdaman nating tayo ay pinagdamutan at some point. This may include money, opportunities, o pagmamahal na tumatak na sa ating isipan.
Kapag hindi ka naka get over dito, ‘di malayong gumanti ka in your own ways, hindi man dun sa taong nagdamot sayo, pero dun sa taong nakakahalubilo mo ngayon. HIndi mo namamalayan na nagagawa mo na sa iba kung ano ang ginawa sa iyo noon.
COMPETITION
There are times when we feel that life is a competition, and in order to satisfy what we want, uungusan natin yung iba.
Ito yung mga pagkakataong:
- Kukunin mo ang credit para ma-promote ka
- Mamahalan mo ang benta mo para mas kumita ka kaysa dun sa isa
- Kakainin mo na lahat ng laman sa ref dahil feeling mo baka maubusan ka
- Bibilhin mo na kaagad yung uso para lumabas na ginaya ka kapag bumili din sila
FEAR
Takot na baka wala kang pinanghahawakan.
Takot na ikaw ay maubusan.
Takot na ikaw ang malamangan.
Ang masama lang dito, dahil sa takot mo, there’s a tendency na ma-obsess ka dun sa idea kaya lagi kang parang nakikipag unahan at nagho-hoard. Para kasi sayo parating kulang maski sobra-sobra na.
DEFENSE MECHANISM
At dahil meron ka ngang takot na mawalan o maunahan, dito na pumapasok yung survival instinct.
Ano ba yung examples of defense mechanism ng isang greedy person?
- Kapag hindi mo nakuha ang gusto mo, hahanapan mo kaagad ng substitute right then and there;
- You prevent others from having it, tulad ng promotion, salary increase, attention, power, or fame;
- Criticizing or insulting something that you want para makuha mo ito ng libre or madalian
PAGTAKPAN ANG TUNAY NA INTENSYON
Ito yung mga taong gagawing dahilan ang pagiging madamot o pagiging obsess sa gusto nila para makuha ang atensyon o loob ng iba, o para umani ng puri.
Halimbawa:
“Uy ang yaman naman niya, dalawa ang binili na phone”
“Okay lang pala na sinumbong niya yung officemate natin, at least naging honest siya, siya tuloy na-promote”
THINK. REFLECT. REPLY.
Anong mga bagay ba ang ipinagdadamot mo?
Anong dahilan bakit mo ito isinasarili?
Paano mo mapa-practice ang sharing?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you have fun with this article? You can also check on these related posts:
- Greed Versus Contentment
- HUWAG MAGING GREEDY!
- MAHIRAP KASAMA ANG MGA SELFISH
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.