First, I would like to extend my deepest sympathies to the families who lost their loved ones at the recent gripping incident in Resorts World Manila. I am one with you in prayer especially in this very dark hour.
Last week, I had a speaking engagement in another casino.
My staff asked me, “Sir, meron ba talaga yumayaman sa pagsusugal?”
My reply was, “Meron, yung casino o bangkero.”
Hindi talaga mananalo ang tumataya.
This is how it goes. Oras na makatikim ng panalo ang sumusugal, he wants to win more.
Hindi siya titigil hangga’t hindi siya nanalo.
Pero ang problema diyan, once na mawili at magkamali sa pag-taya, pwedeng maubos lahat ng kanyang pinanalunan.
Kapag natalo naman, ang natural tendency ay ang kagustuhang
makabawi. Normal na reaction ang AYAW MAGPATALO.
So in other words, hindi yan titigil kung hindi nanalo pa more.
Hindi rin ito titigil hangga’t hindi ito makakabawi.
In gambling, it does not really matter if you win 30 times but if you bet all your earnings and lose one time big time. YOU WIPE OUT ALL YOUR GAINS!
Ang tawag kasi dito ay ADDICTION!
Addiction can come in many forms- pwedeng sugal, drugs, gaming at maraming pang iba.
Once you get addicted to something, your judgment gets blurred. Hindi mo na malaman kung anong oras? Anong araw? Umaga ba o gabi? Para ka na lang zombie na sumusunod sa kagustuhan na addiction mo.
If you know people who are addicted to gambling or any bad habit, please reach out to them and intervene.
If you need to turn them in to a rehabilitation center, do so.
Dahil walang adik ang aaminin na sila ay adik.
Para sa kanila, libangan lang ito.
Kung ikaw naman ay addicted sa isang bagay o gawain.
Huwag kang mahiya na humingi ng tulong sa mga taong pwedeng tumulong sayo. Huwag mong isipin na kontrabida sila. Isipin mo ang mga mahal mo sa buhay, yung asawa mo, yung mga anak mo at mga taong nagmamahal sayo.
Huwag natin palampasin itong trahedya na ito na kumitil ng buhay nang hindi bababa sa 30.
Dahil lang gustong makabawi sa pagkatalo sa sugal, marami pa ang nadamay.
“No one wins in gambling. The Banker always win”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- May kakilala ka bang may addiction?
- Ikaw ba ay kailangan mo rin ng tulong?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.