Bakit kaya ang mga bilyonaryo ay talagang successful sa kanilang business ideas? Hindi ba sila napapagod sa mga ginagawa nila araw-araw?
Ganito na lang mga KaChink, kung ikaw kumita nang malaki sa craft na mahal na mahal mo o gustong-gusto mo, hihinto ka ba?
‘Di ba ang sagot n’yo ay hindi? So allow me to share with you in this blog ways on how to work smart.
NEVER STOP TO LEARN
Kung talagang subscribers at followers ko kayo lagi n’yo itong maririnig at mababasa sa mga write ups ko.
Mahalaga kasi na talagang alam natin ang business na ginagalawan natin. Bakit? Kasi marami na ang nagbabago. Mula sa simpleng flyers noon, ngayon nandyan na ang social media.
Kailangan alam natin ang alternatives sa business natin lalo na kung yung isa may cost at yung isa mas mura ang cost pero malaki naman ang return of income. So yung mga ganitong bagay, inaalam dapat.
START TO INNOVATE
Bakit sumikat ang isang unli rice na restaurant? Kasi imagine, ang lakas kumain ng mga Pinoy ‘di ba, tapos unlimited ang rice! Sa lahat ng mga kasabayan nilang kainan, sila lang ang ganun.
So sila ang isa sa mga nagpasimula nun. Kaya isipin natin kung ano yung patok sa mga tao at kakaiba na rin compared sa mga competitors natin.
Hindi natin kailangan makipagsabayan lang sa ibang kung mayroon tayong unique na maibibigay sa ibang mga tao at makatutulong din sa kanila.
MAKE MONEY TO MAKE MORE MONEY
Tulad na rin ng sinulat ko sa blog ko kahapon, save, invest then save and invest uli. Learn how to delay your gratification. Saka na ang happy happy kapag na-reach na ang goals.
Habang hindi pa, tiis-tiis muna at matutong maghintay. Kahit lahat ng mga kaklase mo, kaibigan mo, nag-e-enjoy sa mga travel goals nila, sige lang.
Huwag kang maiinggit kasi makakamit mo rin yun kapag naging succesful ka na rin sa negosyo mo. Don’t compare yourself to others. Hindi yun healthy sa iyong isipan. Tandaan na
“Ang tunay na mayaman ay simple at smart ang katangian.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
Anu-ano ang mga kailangan mo pang matutunan?
May naiisip ka bang kakaibang bihis ng iyong negosyo?
Anu-ano ang mga maaari mo pang pasukin na negosyo?
Watch this new video in my YouTube Channel:
Buking ang Mayayaman Vs Tunay na Mayayaman
Discover the Secrets that Made Successful Chinoypreneurs Wealthy and How To Apply Them In Your Business and Life for only P799. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa!
Register Now! Hurry and don’t miss this out!
Click here: https://lddy.no/8vd7.
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.