Natanong mo na rin ba iyon? Was there a time na
tinanong natin ang sarili natin kung ano ang halaga
natin at gaano tayo kahalaga sa buhay ng iba?
Madalas iniisip natin ang ikabubuti ng iba to the
point that we just settle for less na lang. Sige okay na
lang para naman sa pamilya natin at sa iba.
Ngunit hindi natin napapansin na unti-unti parang
bumababa ang halaga natin hanggang sa punto na
napag-iwanan na tayo at magsisisi na lang sa huli.
Anu-ano ang tinutukoy ko?
SAPAT BA SA ’YO ANG SAHOD MO?
Hindi nakagraduate, kaya hindi na makahanap ng
maayos na trabaho? Pero minsan mas may alam ka
pa nga kaysa sa iba na nakapagtapos ng pag-aaral.
Kung ‘di sapat para sa ’yo ang sahod mo, okay na lang
ba? Hayaan na lang natin kasi mahalaga may
trabaho tayo. We need to change this mindset.
Gamitin natin ang skills natin. Huwag tayong mag-settle
kung alam naman nating may mas magandang
opportunity kahit mahirap man ito. Kayanin natin.
I’m not pushing everyone to be greedy, ang sinasabi
ko lang na hangga’t may pagkakataon at kaya naman
natin, let’s grab it and do our very best for it.
Sayang ang panahon para magsettle lang tayo sa
kakapiranggot na sahod gayung alam naman natin
that we can do more and we can create more.
Isa pa siguro na tanong para sa mga nagsasama d’yan..
SAPAT NA BA SA ’YO NA HINDI KAYO KASAL?
“Gastos lang ‘yan Chinkee. Uunahin pa ba namin ‘yan?”
“Ok na. Kasal naman kami sa huwes.”
“Hay ang daming kailangan ng mga anak namin.”
Hindi ko naman sinasabi na kailangang bongga ang
kasal. Ang gusto ko lang maipayo ay mabasbasan
ang inyong pagsasama at makasama ninyo ang Panginoon.
Darating ang araw na magkakaroon ng kasintahan
ang inyong anak, okay rin ba sa inyo na hindi na rin
sila ikasal? O bahala na sila sa buhay nila?
Gaano ka ba kahalaga? Hindi ka ba worthy pakasalan?
O hindi ba worthy pakasalan ang kinakasama mo?
Ayaw n’yo ba dahil matatali lang kayo sa kasal?
Mahalaga ang anak, pero darating ang araw na
magkakaroon din sila ng sarili nilang pamilya. Kaya
mahalaga matibay ang pagsasama ng mag-asawa.
Tama na yung okay na ‘yan o kaya saka na.
SAPAT BA SA ’YO ANG PAMUMUHAY NA MAYROON KA?
Kuntento ka na? Okay na ba ‘yan? Sa tingin mo
habang buhay ka nang ganyan at hanggang d’yan
na lang ang buhay na magkakaroon ka?
\“Hindi naman kami mayaman eh.”
“Ito lang ang alam ko eh. Dito na lang ako.”
“Hindi ko naman kaya yung ginagawa nila eh.”
If we keep on looking at the things that we don’t
have and believing it is impossible to have them,
then yu’n nga talaga ang mangyayari.
It’s in the mind. Minsan kailangan baguhin ang
pag-iisip at pananaw para magawa natin
ang mga bagay na akala natin ay ‘di kaya.
We can do more. Don’t settle for less. Paulit-ulit
kong sinasabi dahil may halaga ang bawat isa
sa atin at kailangan alam natin ito sa sarili natin.
“We are all worthy to achieve more than what we have
because we deserve to be respected and loved.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Paano mo pinahahalagahan ang sarili mo?
- Anu-ano ang mga kakayahan mo na mas kakaiba at mas magaling sa iba?
- Sinu-sino ang mga inspirasyon mo para mas paghusayan mo ang mga ginagawa mo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.