Naririndi ka na ba sa tuwing sinasabi ng asawa mo sa’yo na “You never did this or that!”
Na para bang pinapa-feel niya na isa kang failure?
It seems like you don’t do anything right?
Hindi mo ba napapansin na madaling punahin ang mali ng ibang tao pero napakahirap punahin ang mali sa ating sarili.
Kung ipapasulat ko sa iyo ng mga maling bagay o mga bagay na hindi nagagawa ng asawa mo, I’m sure kulang ang isang long bond paper.
Pero…asawa ni pera!
Kapag ipina-lista ko sa’yo ang mga maling bagay na nagawa o mga bagay na di mo nagawa, for sure ay mahihirapan kang mag-isip.
Ganoon talaga yun, our mind is programmed to look at the wrongdoing of others and overlook our own mistakes.
“Eh totoo naman, Chinkee. Madami talagang palpak ang asawa ko.”
Yes, I totally agree! Hindi naman ako nag a-argue dun.
Pero matanong ko lang, ikaw ba never pang nagkamali?
Palagi bang tama ang desisyon mo?
Palagi bang swak ang diskarte mo?
Perfect ka ba?
Diba, hindi din naman?
Because just like your spouse, tao ka lang na imperfect.
Kaya dun sa palaging nakakarinig mula sa asawa nila ng mga katagang “You Never…”, basahin mo itong blog na ito.
FOCUS ON THE THINGS THAT YOUR SPOUSE IS DOING
Rather than focusing on the negative, bakit hindi nalang mag-focus sa positive.
Rather than focusing sa mga bagay na hindi niya ginagawa, bakit hindi na lang mag focus sa mga nagagawa niyang tama.
Yes, hindi nga siya sweet, pero faithful naman siya.
Yes, hindi kayo kasing yaman ng iba, pero masipag naman siya at gumagawa ng paraan.
Yes, hindi nga siya creative pag dating sa mga ideas, pero nakikita mo naman na ume-effort.
Huwag din natin pilitin ang ating asawa sa hindi niya kakayahan.
Let us focus on their strengths, not on their weaknesses.
Huwag mong pilitin si misis na manatili sa bahay kung ang interest niya ay magnegosyo.
Huwag mong pilitin mag-negosyo si mister kung ang interest naman siya ay sa larangan ng sining.
Forcing people to work from their weakness is one of the most frustrating things to do.
Di ba mahirap magpagawa sa iyo ang isang bagay na hindi mo gusto at calling?
In other words, pansinin natin at mahalin ang mga bagay ng ginagawa niya ng tama. Kaysa uubusin mo lang ang oras mo sa pagpuna ng kanyang pagkakamali at kahinaan, maiinis ka lang!
At kung ikaw naman yung madalas na nagsasabing, “You never…”,
FORGIVE YOUR SPOUSE FOR THE THINGS HE OR SHE NEVER SEEMS TO DO
Di ka ba niya dine-date?
Di ka ba niya binibilhan ng regalo tuwing birthday mo?
Di ka ba niya sinasabihan ng ???I love you????
Di ka ba niya hina-hug kapag nagkikita kayo?
Instead na sigawan mo siya at magalit ka sa kanya, why don’t you talk to him? Kausapin mo siya ng mahinahon and in a way na hindi niya mafi-feel that he or she is a failure. And most probably madi-discover mo kung bakit hindi niya nagagawa yung mga bagay na yun. Yung mga reasons man niya ay hindi valid for you, but knowing and understanding where he’s coming from will allow your relationship to grow and not be destroyed by the things your spouse never does.
And when all has been said and done, forgive your spouse for not doing the things you expect him or her to do.
THINK. REFLECT. APPLY.
Forgiveness is the key to a growing relationship even if your spouse constantly says that you never do something or if your spouse constantly forgets to do something.
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
We hope that this article has helped you in some way. You can also check on these related articles:
- MAHIRAP MAHALIN ANG KAAWAY
- TALO KA SA PAGHIHIGANTI
- Why Should We Forgive 70 x 7 Times?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.