“Sorry di ka nag-qualify sa basketbol tryout, gusto sana namin yung matangkad”
“O ikaw, dalin mo ito dun, tutal mukha ka namang boy”
“Ia-assign ko sana sayo yung project kaso may anak ka eh, tiyak di mo matututukan ang trabaho”
“Kaya pala ganyan ang takbo eh, babae nagmamaneho”Have you ever experienced being treated unfairly because of your age, gender, physical features, religion, race/color, disability, or your past?
Anong naramdaman mo? Ang sakit, hindi ba?
That is what exactly what I used to feel when I was at high school. Para na lang akong outcast at minamaliit dahil sa aking katayuan sa buhay. Kaya minsan na akong nagtanong na, “kasalanan ba ang maging mahirap?”
Sadyang may mga tao kasi talagang mapangmata sa kapwa. Ito yung mga taong masyadong ‘perpekto’ ang tingin sa sarili and/or sa buhay na meron sila kaya kapag hindi nila kapareho, feeling nila ibang tao na ito.
Ang pagiging unfair ng iba ay isa sa mga kaugalian na mahirap baguhin. Pero imbis na gayahin ito para lang makaganti o magpatalo dahil pakiramdam mo wala kang choice kundi tanggapin ito, doon ka nagkakamali dahil MAY MAGAGAWA KA.
Ano-ano nga ba ang pwede mong gawin when you are being treated unfairly by a family member, a friend, colleague, or even a stranger?
1. BE STRONG
Face it and be brave about it. Tatagan mo ang paniniwala mo sa kakayanan mo.
Hindi naman porket ganoon ang trato sa iyo eh ibig sabihin ay TALUNAN KA NA. To start with, we are all special and created uniquely, kaya kahit ano pa ang maranasan mo, labas lang sa kabilang tenga at huwag ka magpadala.
Wag mo pababain ang tingin mo sa sarili mo, and instead, embrace who you are and maximized what you have been blessed with. Gamitin mo ito bilang isang inspirasyon sa sarili mo na hindi totoo ang kanilang mga sinasabi. The best revenge is to prove them wrong.
2. BE AN INSPIRATION TO OTHERS
Sabi nga, isa ito sa mga nakaugalian na mahirap na baguhin, meaning, very common na ang pagiging unfair sa kapwa kahit saan ka lumingon.
So what you can do is: DO NOT BE LIKE THEM. Ipakita mo kung paano ba dapat tinatrato at iginagalang ang isang tao at hindi makasakit ng kapwa.
3. THE SOLUTION IS WITHIN YOU
Huwag kang umasa at huwag mo ipilit na mababago mo ang ibang tao dahil madi-disappoint ka lang.
Instead na maawa ka sa sarili mo, wasting your time on blaming the other person, being angry and bitter, or thinking of ways on how to get even sa mga taong unfair sayo, gamitin mo yung oras mo para maging positive at maghanap ng paraan kung paano maghanap ng solusyon sa iyong sitwasyon. Huwag mong aksayahin ang oras sa mga taong negatib na nasa paligid mo na hinuhusgahan ang pagkatao mo. Focus your time and energy at the solution.
4. CRY OUT TO GOD
The easiest form of expression when we’re hurt or when we’re in pain is to cry it all out. Ok lang mag-release ng iyong mga frustration at hinaing sa buhay. You can pray and cry out to God. The good news is even others may look down at you and belittle you, but God will never do that. He will never abandon you but instead He will encourage and empower you to be the best person that you can be.
I hope this short blog ay nakatulong sa iyo at nalinawagan ka kung ano ang dapat mong gawin. It is time to get a hold of yourself and handle it well by facing it like a mature person. Panahon na para lumaban, PUSO!!!
THINK. REFLECT. APPLY.
Why were you treated unfairly?
How will you face it kapag nangyari uli ito?
What are your strengths which you could focus on?
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article motivate you to stand for yourself? You can also check these other related posts:
- I WAS A VICTIM OF BULLYING
- Life’s Not Fair!
- Mirror, mirror on the wall, who’s the fairest of them all?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.